Uploaded by maria cecilia san jose

ACCEPTING CHALLENGES

advertisement
Sa aming punong guro Dr. Lyndel R David, sa aming katuwang na
punongguro, Mam Jocelyn O. Rivera, mga kasamahan kong sa Morng
National High School-Senior, mga magulang at lalo’t higit sa ating mga magaaral. Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.// Bilang pakikiisa sa
pagdiriwang natin ng Buwan ng Wikang Pambasa Hayaan nyo po akong
magsalita sa wikang ating kinagisnan…/ ang Wikang Filipino.//
Ngayong umiiral ang pandemic…ngayong ang lahat ay natatakot na
mahawahan ng covid 19 na banta sa ating kalusugan, ang pagganap sa
sinumpaan nating tungkulin ay hindi mapipigilan ng sitwasyong ating
kinakaharap.
Tayo ay nasa NEW NORmal ngunit tayo ay inaasahang makiisa sa
paghahatid ng tuloy-tuloy, ligtas at dekalidad na edukasyon.
Naalala ko nang minsan sabihin ng aking anak na “anu raw kaya’t siya ay
tumigil muna, kasi mahal ang matrikula na babayaran ko pero nasa bahay
lang sya. Tiningnan ko sya ngunit hindi pa man ako nakapag-uusap , sinabi
nyang “Ah mama mag-eenrol ako, sayang ang panahon, sayang ang isang
taon para makatapos na ako at maging isang pulis. Hindi ako titigil ng aking
pag-aaral.”
Kaming mga nasa larangan ng Edukasyon, iisa ang layunin…ang
maipagpatuloy ng mga kabataang ito ang kanilang pag-aaral. Na hindi
masasayang ang kanilang panahon at titigil ang kanilang pangarap nang
dahil sa Covid.
Alam nating ito’y magiging bahagi na ng ating buhay, ng
ating lipunan. Ito ang ating New Normal. Kung kaya’t maaga pa’y nagplano
na ang lahat ng mga paaralan kabilang ang Morong National High School-
Senior kung paanong maipagpapatuloy ng mga kabataang ito ang kanilang
pag-aaral nang ligtas. Kung paanong ang mga guro ay magiging ligtas din
at kung paanong makakasunod ang paaralan sa protocol ng kaligtasan.
Dito pumapasok ang maraming hamon na aming kinakaharap kung
paaanong maisasalba ang ating mga mga-aaral na maipagpatuloy pa rin nila
ang kanilang pag-aaral.
Bilang guro na kumakatawan sa Morong National High School Senior,
tinatanggap po namin ang hamon na ito. Challenged accepted….
1. Tinatanggap naming ang hamon na harapin nang handa ang bagong
Sistema ng edukasyon…handa naming tanggapin ang makabagong
hamon ng edukasyon nang walang maiiwang bata gayundin ang aming
mga kasamang guro.
2. Tinatanggap naming ang hamon na maibigay ang aming makakaya
upang maibahagi ang aming karunungan, oras at kakayahan sa kabila ng
ating sitwasyon, sa kabila ng magiging mas mahirap para sa aming lahat
dahil hindi naming makikita ang mga bata ng harapan.
3. Tinatanggap naming ang hamon na uunahin namin ang kapakanan ng
aming mga mag-aaral.
4. Bilang guro tinatanggap namin ang hamon na harapin ang mandato ng
propesyon na aming tinahak at para sa bokasyon na aming pinili.
5. Tinatangap po naming ang hamon na harapin ang 'bagong normal' ng
may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan
ng pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa mga magulang, mga
anak at guro ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis.
6. Tayo po ay magpatuloy nang sama-sama sa bagong sistema ng ating
edukasyon para sa hinaharap. Patuloy na manalangin na masugpo ang
virus na hindi nakikita ngunit isang malaking banta sa ating lahat. Patuloy
tayong magiging matatag na makapagbigay ng edukasyon sa mag-aaral
Ang pagtanggap ng hamon ay isang biyaya. Ngunit ang aming layuning ito
ay hindi namin maisasakatuparan nang matagumpay kung wala ang mga
ang mga sumusunod:
1. Ang mga magulang o tagapangalaga ng ating mga mag-aaral …. na
magiging katuwang namin sa pagtuturo sa kanilang mga anak…Sila na
laang magbigay ng oras at panahon upang turuan din ang kanilang mga
anak…magulang o tagapangalaga na handang makipag-ugnayan sa
amin,ano mang oras at panahon.
2. Hindi rin po matatawaran ang Malaking bahagi po na gagampanan ng
ating mga nasa Lokal Government Units mula sa Sangguniang
Pambayan, pambaranggay at maging ng sangguniang kabataan dahil sila
naman po ang magiging katuwang namin upang maipahatid ang mga
learning resources ng ating mga mag-aaral. Mga pagsuporta sa aming
mga proyekto sa anumang paraan lalot higit para sa mga bata.
3. Marami rin pong mga pribadong kompanya at mga samahan ang
tumugon po sa ating panawagan na tumulong sa ating mga proyekto na
ang naging katuwang din po ay ang mga nasa Brigada Eskwela Team.
4. Isang pasasalamat din po sa maraming indibidwal na nagboluntaryong
tulungan ang paaralan sa paraang nais nila tulad ng pagpapahintulot na
maibahagi nila ang kanilang wifi connections sa kanilang mga kalugar ,
sa mga may-ari ng tindahan na pumayag na pagdalhan/kuhaan ng mga
learning resources, mga indibidwal na naghangad magturo sa kanilang
komunidad at mga riders na handing magdala ng mga modules o
anumang kagamitan ng ating mga mag-aaral. Ang paaralan po ay
bukas sa mga taong nagnanais ring maging bahagi ng ating mga
proyekto.
Nawa po’y hindi kayo manawa sa pagtugon sa aming mga paulit-ulit na
paghingi ng tulong…sa patuloy na pagbubukas ng inyong mga pintuan
tuwing kami’y kumakatok para sa ating mga mag-aaral…
Tunay nga po na sa pagtutulungan at pakikisa ng lahat, lahat ay
mapagtatagumpayan. Bago pa nagsisimula ang laban nating ito ngunit
matatag ang aking paniniwalang mananalo tayo. Mananalo tayo dahil
COVID lang yan Moronguenos tayo.
Ako po si Ginang MARIA CECILIA R. SAN JOSE na nagsasabing “ Samasama tayo sa pagtamo ng dekalidad na edukasyon Handang Isip, Handa
Bukas! Para sa edukasyon, Para sa bata, lalo’t higit Para sa Bayan!
Pagpalain po tayo ng ating Dakilang Maykapal. Manatiling Ligtas sa loob ng
ating mga tahanan. Maraming salamat po.
.
Download